Operasyon ng LRT-2, nagkaaberya

FILE PHOTO

Pansamantalang sinuspide ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), Huwebes ng hapon.

Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ito ay bunsod ng naranasang technical problem.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik din sa normal ang operasyon ng linya ng tren dakong 4:59 ng hapon.

Limang tren ang tumatakbo sa LRT-2 na may siyam na minutong average headway bandang 5:00 ng hapon.

Read more...