Pangulong Duterte, ipinag-utos na ang pagtigil sa paggamit ng face shield – Palasyo
Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang paggamit ng face shield.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kumpirmado ang mga naunang pahayag nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Joel Villanueva na hindi na gagamit ng face shield.
Sa halip, gagamitin na lamang aniya ang mga face shield sa mga ospital.
Ayon kay Roque, dahil nagsalita na ang Pangulo, magiging polisiya na ito ng bansa.
Maari naman aniyang umapela ang Inter-Agency Task Force sa naging desisyon ng Pangulo.
Matatandaang iminungkahi ni Manila Mayor Isko Moreno na itigil na ang paggamit ng face shield dahil dagdag-gastos at basura lamang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.