Sen. Win Gatchalian: Nagsulat ng bastos na self-learning module dapat managot
Hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian na papanagutin ng kinauukulang ahensiya ang nagsulat, maging ang nagpalabas ng bastos na self-learning module.
Ipinunto ni Gatchalian na napaka-bulgar ang ginamit na ‘salitang-kalye’ na ang kahulugan ay pakikipagtalik.
Binawi na ng DepEd ang module matapos itong mabulgar sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts.
Naniniwala ang namumuno sa Senate Committee on Basic Education na sinadya ang paggamit ng bastos na salita, ngunit diin niya at labis niyang ipinagtataka ay ang pagkakalusot nito sa quality assurance process ng DepEd.
“Obviously the system failed. And we also need to investigate this matter and hold the quality assurance mechanism or those people who are implementing the quality assurance to account. But more importantly, look for that person who wrote that,” giit nito.
Una nang sinabi ni Education Usec. Diosdado San Antonio na nabawi na ang module, na ginamit ng Grade 10 students sa Pampanga noong second quarter ng SY 2020 – 2021.
Nabatid na 155 mali na sa learning modules ang nadiskubre simula noong Oktybre hanggang kasalukuyang buwan.
Pagtitiyak naman ni Gatchalian na ang mga pagkakamali sa learning modules ay tatalakayin sa ipinatawag niyang pagdinig para sa ginagawang paghahanda sa pagsisimula naman ng SY 2021 – 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.