Katapusan ni Pangulong Duterte nalalapit na dahil sa ICC probe – Sen. Leila de Lima

Ikinalugod ni Senator Leila de Lima ang kahilingan na magkaroon ng ‘full blown investigation’ ang International Criminal Court (ICC) sa mga diumanoy crimes against humanity na ibinunga ng war on drugs na idineklara ni Pangulong Duterte.

 

“I most gladly welcome the decision of the Office of the Prosecutor of the International Criminal Court, the Honorable Fatou Bensouda, to proceed with the investigation of the drug war killings as a possible case of the ‘Crime Against Humanity of Murder’ under the Rome Statute,” sabi ni de Lima.

 

Naniniwala ang senadora na malapit ng matapos ang maliligayang araw ng administrasyong-Duterte at aniya tanging kamatayan na lang ang magliligtas sa Punong Ehekutibo sa paglilitis at paghatol sa kanya ng ICC.

 

“He might actually be entertaining that notion now, better to die first than to suffer the humiliation of being dragged in chains to The Hague as one of the few individuals in history to be tried as hostis humani generis, an enemy of mankind,” sabi pa nito.

 

Unang inihayag ni Bensouda noong Hunyo 14 na base sa kanilang preliminary examination may dahilan para masabi na may nangyaring ‘crimes against humanity’ sa pagkasa ng anti-drugs campaign ng administrasyon simula Hulyo 1, 2016 hanggang Marso 16, 2019 na nagresulta sa pagkamatay ng libo-libong indibiduwal.

 

Hiniling din na maimbestigahan maging ang mga kaso ng pagpatay sa Davao City noong si Pangulong Duterte pa ang alcalde ng lungsod mula 2011 hanggang 2016.

Read more...