Angal ng OFWs na mahabang quarantine period pinag-aaralan na ng IATF

Nakarating na kay Pangulong Duterte ang reklamo ng OFWs ukol sa matagal pang quarantine period sa pagbabalik nila ng Pilipinas.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque naiintindihan ng Punong Ehekutibo ang sentimyento ng OFWs, partikular na ang kanilang isinusumbat na maigsing panahon ng bakasyon para makapiling nila ang kanilang pamilya.

Ayon kay Roque pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hiling na mapaigsi na ang araw ng pag-quarantine sa OFWs maging sa mga balikbayan kapag sila ay nagbalik sa Pilipinas.

Sa umiiral na polisiya ng IATF, kinakailangan na sumailalim sa 14 araw o dalawang linggo na quarantine period ang OFW o balikbayan sa isang accredited facility.

Pinayuhan lang ng Malakanyang ang OFWs na manatiling kalmado at pinag-aaralan na ang kanilang kahilingan.

 

Read more...