Karagdagang 1.5M CoronaVac doses mula China dumating sa Pilipinas

Dumating na sa Pilipinas ang ika-10 shipment ng COVID 29 vaccines mula sa Sinovac Biotech sa China.

Pasado alas-7 ngayon umaga nang lumapag sa NAIA Terminal 2 ang Cebu Pacific flight 5J671 karga ang mga bakuna.

Kabilang sa mga sumalubong sina vaccine czar Carlito Galvez Jr., at Health Sec. Francisco Duque III.

Nabatid na kabilang sa 1.5 million doses ay ang 500,000 doses na binili ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.

Ito ang unang batch ng COVID 19 vaccines na binili ng pribadong sektor.

Inaasahan naman na malaking bahagi ng mga bakuna ay ipamamahagi sa mga lugar na mataas ang bilang ng COVID 19 cases.

Sa kabuuan, umaabot na sa 9 million doses ng CoronaVac ang dumating sa bansa simula noong Marso kabilang na ang isang milyon na donasyon ng gobyerno ng China.

Read more...