Fully vaccinated senior citizens pinayuhan ng DOH na maghinay-hinay sa paglabas ng bahay

By Jan Escosio June 17, 2021 - 07:48 AM

Kahit fully vaccinated na, pinagbilinan pa rin ng Department of Health (DOH) ang senior citizens na kung maari ay limitahan pa rin ang paglabas ng bahay.

Katuwiran ni Health Usec. Leopoldo Vega hindi naman 100 porsiyentong proteksyon sa COVID 19 ang bakuna at aniya ang tanging maaring lang gawin nito ay maiwasan na ma-ospital o mamatay ang pasyente.

Dagdag pa ni Vega maliit pa lang ang bilang sa kabuuang populasyon ng mga edad 60 pataas sa bansa ang kumpleto na ang bakuna laban sa COVID 19 at aniya sila ay nananatiling nasa klasipikasyon ng ‘vulnerable sector.’

Paalala pa ng opisyal na kung nasa labas ang seniors mahigpit pa rin dapat ang pagsunon sa basic health protocols, pagsunod sa social distancing, pagsusuot ng mask at face shield, gayundin ang paghuhugas ng mga kamay.

Makakabuti din aniya kung makakaiwas ang mga nakakatanda sa public gatherings.

Noong nakaraang linggo, pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga nasa edad 65 pataas na makalabas na ng kanilang bahay basta fully vaccinated na.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.