War on drugs hindi mapapalambot ng pag-iiimbestiga ng ICC – Sen. Bong Go

Tiniyak ni Senator Christopher Go na hindi maapektuhan ang kampaniya kontra mga ilegal na droga sa bansa ng pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa diumano’y crimes against humanity ni Pangulong Duterte.

“Di po titigil si Pangulong Duterte sa kampanya kontra droga. Inumpisahan na po ito ni Pangulong Duterte. Ramdam na po ito ng taumbayan,” pagtitiyak ng senador.

Naniniwala si Go na dahil sa kampaniya ay naging mas nakakaramdam ng kaligtasan ang mamamayan.

Dagdag pa niyamas pinagkakatiwalaan na rin ng taumbayan ngayon ang mga awtoridad.

“Magtanong po kayo. Nakakalakad na po ang kanilang mga anak sa gabi, sa tulong po ‘yan ng mga pulis. Ang mga pulis ngayon, malalapitan n’yo po, maasahan n’yo po. Ramdam po ng taumbayan na secure po at meron tayong peace of mind na umuwi ang kanilang mga anak,” dagdag pa niya.

Pagdidiin pa nito, tatapusin ni Pangulong Duterte ang pinasimulan niyang laban hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

Read more...