Naglunsad ang Quezon City government ng isang vaccination program para sa mga empleyadong hindi kayang makapag-leave sa trabaho o walang oras bumisita sa vaccination site sa umaga at hapon.
Tinawag ang programa na ‘QC Bakuna Nights,’ na layong mapalawak ang maaabot ng pagbabakuna.
Mabibigyan din nito ng pagkakataon ang mga empleyado na makapagpabakuna kahit sa gabi.
“Para ito sa mga manggagawa natin na hindi naman makaliban sa kanilang trabaho para makapagpabakuna sa karaniwang oras na 8am-5pm. Lalo na ‘yung mga arawan ang sahod,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.
Dagdag pa nito, “Ngayon, hindi na nila kailangang mamili kung arawang kita ba muna o bakuna. We will inoculate them at a time most convenient to them.”
Bukas ang naturang program simula 6:00 ng gabi o pagkatapos ng working hours.
Sa araw ng Miyerkules, June 16 nasa 2,000 pre-registered frontline personnels sa essential sectors o mga kabilang sa A4 priority group ang babakunahan sa Quezon City Hall Grounds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.