Mga Filipino sa Myanmar, hinimok na huwag makiisa sa mga kilos-protesta

REUTERS

Hinimok ng Embahada ng Pilipinas sa Myanmar ang mga Filipino na umiwas at huwag makilahok sa mga kilos-protesta.

Ito ay kaugnay sa nagaganap na military junta sa Myanmar.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo Kapunan na ito ay para matiyak ang kaligtsan ng mga Filipino at hindi madamay sa kaguluhan.

Ayon kay Kapunan, 800 indibidwal na ang napatay dahil sa crackdown sa mga nagpoprotesta.

Nabatid na aabot sa 1,600 na Filipino ang nagtatrabaho sa Myanmar.

Sa ngayon, nasa 550 hanggang 600 pa ang natitira sa Myanmar habang ang iba ay napauwi na sa bansa.

Bukod sa military junta, banta rin sa mga Filipino sa Myanmar ang COVID-19.

Read more...