BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 1.33-M; 5,414 ang bagong naitala

Mahigit 5,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (June 16), pumalo na sa 1,332,832 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 56,170 o 4.2 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 5,414 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

91.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.0 porsyento ang asymptomatic; 1.36 porsyento ang moderate; 1.9 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 158 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 23,121 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 7,637 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,253,541 o 94.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...