Christmas ngayon taon magiging ‘merry’ paniwala ng DILG chief

By Jan Escosio June 16, 2021 - 12:35 PM

Kumpiyansa si Interior Secretary Eduardo Año na mas magiging masaya ang Kapaskuhan sa bansa ngayon taon.

Ito, ayon sa kalihim, ay dahil sa pagdating pa ng mas maraming COVID 19 vaccines at mabilis na pagbakuna sa populasyon sa bansa.

Tiwala ito na sa pagtatapos ng taon malaking bahagi na ng populasyon ng bansa ang naturukan na ng COVID 19 vaccine

“We’ll have a merrier/happier Christmas this year because we will be hitting the population protection level before the end of the year. That means at least half of our total population has been vaccinated. Almost all businesses are opened by then and almost all restrictions are eased (by then),” sabi ng kalihim.

Hanggang noong nakaraang araw ng Linggo, 6,948,549 doses na ang naiturok at 1,879,694 na ang naturukan ng kanilang second dose.

Sa kagawaran, 1,300 Sinovac doses ang kanilang natanggap para sa kanilang mga kawani na babakunahan simula ngayon araw hanggang sa Biyernes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.