Paglagay sa Metro Manila sa MGCQ hindi pa napapanahon, ayon kay Sen. Bong Go

By Jan Escosio June 16, 2021 - 12:20 PM

Hindi pa kumbinsido si Senator Christopher Go na maari nang pairalin ang modified general community quarantine o MGCQ sa Metro Manila.

Aniya hindi pa napapanahon na mas maging maluwag ang quarantine restriction sa Kalakhang Maynila.

Katuwiran nito, iniiwasan pa rin ng gobyerno na sumirit muli ng husto ang COVID 19 cases sa Kalakhang Maynila at mahirapan ang healthcare facilities dahil sa sobrang dami ng mga pasyente.

Dagdag pa ng senador kailangan ay may mapapagdalhan ng mga tatatamaan ngh COVID 19 lalo na ang mga aabot sa severe at critical stages.

Pagdidiin niya hindi na dapat maulit pa ang nangyari noong Marso hanggang Abril kung kalian ay apaw-apaw na ang mga pasyente sa mga ospital.

Aniya ngayon ay nararanasan na ito sa ilang probinsiya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.