Sen. Gordon, ipinanawagan ang 13 Filipino seafarers na ‘naiipit’ sa China

By Jan Escosio June 15, 2021 - 08:13 PM

Hiniling ni Senator Richard Gordon sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Magsaysay Maritime Corp. (MMC) na pabalikin na sa bansa ang 13 Filipino seamen na stranded sa China simula noon pang January 2020.

Ang mga naturang marino ay hindi makababa sa M/V Angelic Power cargo vessel na nakadaong sa Guishan, China.

Nabatid na naiipit ang mga ito sa awayan sa pagitan ng tatanggap ng karga ng barko at may-ari ng sasakyang-pandagat.

Pagdiiin ni Gordon, wala namang kinalaman ang 13 Filipino sa sigalot dahil sila ay tripulante lang ng barko.

Nabanggit ng senador na noong nakaraang Abril, pinakawalan na ang Greek crew members samantalang nananatiling nakakulong ang mga Filipino.

Ayon pa kay Gordon, kinumpiska ang passport ng mga Filipino at nakakaranas na ang mga ito ng paunting suplay ng pagkain at gamot.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Richard Gordon, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Richard Gordon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.