Travel ban sa pitong bansa, pinalawig hanggang June 30 – BI

By Jan Escosio June 15, 2021 - 07:49 PM

Pinalawig pa hanggang sa katapusan ng buwan ng Hunyo ang pagpapatupad ng travel ban sa pitong bansa sa Asia at Middle East.

Ito ang sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente at aniya, base ito sa utos ng Malakanyang sa layon na mapigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang COVID-19 variant nangmula sa India.

Sinabi ni Morente na bukod sa India, bawal pa rin ang pagpasok sa bansa ng mga biyahe mula sa Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman at United Arab Emirates.

“Those with a trabel history from these countries within the last 14 days before arrival are temporarily banned from entering,” aniya.

Paglilinaw niya, hindi naman sakop ng travel ban ang mga kinakailangan lang dumaan sa airports ng mga nabanggit na bansa.

Samantala ang mga makakabalik naman sa Pilipinas ang mga Filipino ang mga magmumula sa mga nabanggit na bansa.

TAGS: BI, Inquirer News, Radyo Inquirer news, travel ban, BI, Inquirer News, Radyo Inquirer news, travel ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.