Pito pang overseas Filipinos, tinamaan ng COVID-19

May pitong bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 15, nasa 20,274 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,970 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Wala namang bagong gumaling kung kaya umabot na sa 12,085 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,219 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 11,531 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,530 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 986 naman ang kaso sa Americas at 4,227 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...