Manila LGU, nakapagtala ng highest daily record ng mga nabakunahan vs COVID-19

Manila PIO photo

Nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng all-time high na record sa dami ng bilang na nabakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, base sa datos ng Manila Health Department umabot sa 25,568 na indibidwal ang nabakunahan sa loob lamang ng isang araw.

Ayon kay Mayor Isko, bagong record ito kumpara sa 21,824 n naitala noong Mayo 29.

Kasabay nito, humihingi ng pang-unawa si Mayor Isko sa mga nagpapabakuna kung mahaba ang pila sa vaccination sites.

“What we need is to understand each other, konting pasensya lang muna at unawa sa isat isa , and at the end of the day kapag may bakuna dumating sa Maynila ubos agad kasi dapat efficient and fast vaccination to reach as many as possible and as soon as possible,” pahayag ni Mayor Isko.

Hindi kasi aniya kailangang pairalin ang pagbabakuna sa pamamagitan ng appointment dahil marami ang hindi dumarating sa schedule.

“We cannot wait and wait for some individuals at the expense of others or general population. Our records will show how many we can do a day and that is what matter most for everyone,” pahayag ni Mayor Isko.

Sa pinakahuling talaan ng MHD, umabot na sa 354,142 ang bilang ng mga nabuka ang nai-deploy.

Sa naturamg bilang, 242,977 ang nakatanggap ng first jab habang 111,165 ang fully vaccinated.

Ang A3 o ang may mga comorbidities ang nakakuha ng pinakamataas na bilang na nakatanggap ng second dose kung saan umabot sa 10,439 habang ang A4 o economic workers ang nakakuha ng pinakamataas na bilang na naturukan ng first dose na umabot sa 10,165.

Read more...