WATCH: Earthquake Drill sa Phivolcs Office sa QC

Sabay-sabay na nakilahok ang iba’t ibang tanggapan ng gobyerno maging sa pribadong sektor sa ikinasang simultaneous nationwide earthquake drill.

Sa Quezon City nagsagawa ng kanilang bersiyon ang punong tanggapan ng Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs.

Ayon kay Science Research Specialist Chief Mylene Villegas, hinihikayat nila ang publiko na makilahok tuwing may isinasagawang drill.

Sinabi ni Villegas na mahalagang nakikiisa ang buong bansa tuwing mayroong drill na ipatatawag ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Read more...