P75-M halaga ng smuggled na sigarilyo, winasak sa Bukidnon
Sinira ng Bureau of Customs – Port of Cagayan de Oro (CDO) ang P75 milyong halaga ng iba’t ibang smuggled na sigarilyo sa Bukidnon.
Winasak ang mga kontrabando sa loob ng pasilidad ng Terra Cycliq Corporation sa Barangay Mantibugao, Manolo Fortich.
Dumating ang mga sigarilyo na lulan ng tatlong container sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong January 11, 2021.
Naka-consign ang kontrabandao sa Sixty Nine Enterprises
Unang idineklara ang shipment bilang kitchenware ngunit lumabas sa eksamimasyon na naglalaman ito ng 135,700 reams ng sigarilyo.
Winasak ang mga sigarilyo gamit ang road roller at backhoe, katuwang ang Bureau of Fire Protection in Manolo Fortich.
Tiniyak ng ahensya na patuloy silang lalaban kontra sa smuggling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.