Bilang ng tumatakbong bagon sa MRT-3, umakyat na sa 20

By Angellic Jordan June 15, 2021 - 03:04 PM

Umabot na sa 20 ang bilang ng tumatakbong newly-overhauled Light Rail Vehicles (LRVs) o bagon sa linya ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3.

Ito ay makaraang madagdagan ng dalawa pang bagon sa buwan ng Hunyo.

Unang nakapag-deploy ng 18 bagon sa nasabing linya ng tren noong Mayo

Pandagdag ito sa operational train sets na binubuo ng 21 CKD train sets at isang Dalian train set.

Ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng linya, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.

Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapasakay ng rail line ng 30 porsyentong passenger capacity, na may katumbas na 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.

TAGS: Inquirer News, MRT-3 operations, Radyo Inquirer news, Inquirer News, MRT-3 operations, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.