Bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa PNP, lagpas 26,000 na

Nasa 214 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (June 15), 26,059 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,942 ang aktibo pang kaso.

137 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 24,046 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 71 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...