Bayad sa boto sa 2022 election posibleng idaan sa electronic money transfer – PNP
Nababahala ang pambansang pulisya na sa parating na halalan ang mauuso na paraan ng pagbili ng boto ay sa pamamagitan ng electronic money transfer.
Sinabi ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang mga katulad na ganito na ‘modus’ ang pinaghahandaan na nila dahil magiging malaking hamon ito.
Paliwanag ni Eleazar limitado lang ang makukuha nilang impormasyon dahil na rin sa mga datos na maari lang nilang makuha sa mga kompaniya bunsod na rin ng Data Privacy Act.
“It’s not impossible for this to happen because of the wide use of cashless transactions amid the pandemic. People will really think of encouraging the public to sell their votes. Monitoring vote-buying activities in the 2022 elections will really be a great challenge to us but I assure the voting public that we will put in place safeguards against this practice,” ang pahayag pa ng hepe ng pambansang pulisya.
Ibinahagi nito na makikipag-ugnayan sila sa Comelec kaugnay sa mga gagawin nilang hakbang para malabanan ang vote-buying sa pamamagitan ng electronic cash transfer.
Ngunit, ayon sa hepe ng pambansang pulisya, kailangan nila ang tulong at kooperasyon ng publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.