Drilon, Villanueva ipinalalabas presyo ng COVID 19 vaccines

By Jan Escosio June 15, 2021 - 08:09 AM

PCOO photo

Kapwa hiniling nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Joel Villanueva sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health na isapubliko ang presyo ng mga biniling COVID-19 vaccines, partikular na ang paggasta sa inilaan na P82.5 bilyon para ipambili ng mga bakuna.

Kasabay ito ngayon araw ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa pagkasa ng vaccination rollout program ng gobyerno.

Nais din ni Drllon na isumite sa Senado ang lahat ng pinasok na kasunduan ng gobyerno sa vaccine manufacturers.

“Aking hinihiling kay Secretary Galvez at Secretary Duque na ipadala na ang mga supply agreements na napirmahan na. Hindi na ito confidential. Ang non-disclosure agreement ay hindi na ubra dito at ito ay pera ng taumbayan. These are public records,” sabi ni Drilon.

Samantala, nais naman ni Villanueva na maging malinaw kung magkano ang presyo ng bawat dose ng mga bakuna para sa minimum 140 million doses na kinakailangan para maabot ang ‘herd immunity.’

Aniya mahalaga na ang paglaan ng pondo ay hindi lang para sa isang taon kundi sa maraming taon.

“Kung aabutin po ng ilang taon ang pagbabakuha, mas mainam na gawin na rin nating multi-year ang appropriation, or at the very least, ang projection,” katuwiran pa ni Villanueva.

TAGS: COVID-19, Franklin Drilon, Joel Villanueva, Presyo, vaccines, COVID-19, Franklin Drilon, Joel Villanueva, Presyo, vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.