Kadingilan, Bukidnon niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

Tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa Bukidnon, Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 9 kilometers Northwest ng Kadingilan dakong 10:38 ng gabi.

May lalim ang lindol na 8 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 5 – Kadingilan, Bukidnon

Instrumental Intensities:
Intensity 3 – Cagayan De Oro City and Gingoog City, Misamis Oriental; Kidapawan City
Intensity 2 – Koronadal City, South Cotabato

Babala ng Phivolcs, maaring makapagtala ng mga pinsala at aftershocks matapos ang malakas na pagyanig.

Read more...