Inihayag ng Department of Tourism (DOT) na mahigit 5,000 tourism workers sa Bohol ang nakatakdang bakunahan laban sa COVID-19.
Ayon kay DOT Secretary Berna Romulo-Puyat, maaring darating ngayong linggo ang 10,000 doses ng Sputnik V sa Bohol.
Ilalaan ang 10,000 Sputnik V vaccine sa 5,000 tourism workers.
Sa pamamagitan nito, masisiguro aniyang may proteksyon laban sa nakakahawang sakit ang mga frontliner sa mga accredited hotel and resort, transport operator, tour site, at restaurant facilities.
READ NEXT
BREAKING: Pangulong Duterte, pinalawig ang suspensyon ng abrogation ng VFA nang anim pang buwan
MOST READ
LATEST STORIES