Habagat, magdudulot ng pag-ulan sa Luzon

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa Luzon.

Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, makararanas ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Ilocos region at Zambales bunsod nito.

Sa nalalabi namang bahagi ng bansa, magiging maulap din ang papawirin at maaring makaranas ng pulo-pulong pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Magpapatuloy aniya ang pag-iral ng Habagat sa Kanlurang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.

Read more...