Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (June 14), pumalo na sa 1,322,053 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 59,096 o 4.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 6,426 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.9 porsyento ang asymptomatic; 1.38 porsyento ang moderate; 1.8 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 57 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 22,845 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 7,145 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,240,112 o 93.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.