Palasyo, tiniyak na walang problema sa kalusugan ni Pangulong Duterte
Walang problema sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos ma-out of balance si Pangulong Duterte sa pagdalo sa ika-123 na Araw ng Kalayaan sa Bulacan noong Sabado, June 12.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, simpleng misstep lamang ang nangyari sa Pangulo.
Malinaw naman sa video, ayon kay Roque, na umiikot sa podium ang Pangulo at nawalan ng balance.
Pagtitiyak ni Roque, maayos ang kalagayan ng Pangulo at walang dapat na ipag-alala ang publiko.
“It was a simple misstep. Malinaw naman po sa video ‘no that the President was turning on a podium ‘no, some kind of a podium so medyo na-out of balance lang po. Wala naman pong problema sa kalusugan,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.