Mga produktong petrolyo, may taas-presyo muli

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad muli ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Shell, Seaoil, at Total Philippines, may dagdag na P0.40 sa kada litro ng diesel habang P0.50 naman ang taas sa presyo ng gasoline.

Magkakaroon naman ng P0.30 na patong sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (June 15).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, PTT Philippines, Shell, Seaoil, at Total Philippines bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 4:01, Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...