Magnitude 4.5 na lindol yumanig sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig dakong 8:51 ng umaga.

Nasukat ang episentro ng lindol sa layong 42 na kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos, Surigao del Norte.

May lalim ito na 6 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity III sa Burgos, Surigao del Norte; Intensity II sa General Luna, Socorro at Santa Monica, Surigao del Norte; San Francisco at San Ricardo, Leyte.

Instrumental Intensity I naman ang naitala sa Surigao City, Surigao del Norte.

Read more...