Mga media workers hinimok na magpabakuna laban sa COVID-19

By Erwin Aguilon June 13, 2021 - 01:30 PM

Photo from Congress website

Hinikayat ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa mga myembro ng media na magparehistro na para sa pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine.

Pinayuhan din ng mambabatas ang mga media practitioners na huwag  mamili ng brand ng bakuna.

Paliwanag nito, pinag-aralan naman ng husto ang mga bakuna bago ito ibigay sa mamamayan kaya’t anumang available na vaccine ay maituturing na pinakamainam na proteksyon laban sa virus.

Iginiit pa ng kongresista na mahalaga na magpabakuna agad ang mga taga media dahil lantad ang mga ito sa panganib ng sakit bunsod na rin ng nature ng kanilang trabaho.

Hindi naman aniya tumigil ang pagbabalita at nakakabahala na dahil sa uri ng trabaho ay marami na ring media workers ang nagkasakit ng COVID-19.

Ang media workers ay kasama sa mga essential workers ng A4 category list na kamakailan lamang ay sinimulan ng mabakunahan.

 

 

 

TAGS: ACT-CIS Rep. Niña Taduran, covid 19 vaccine, media workers, ACT-CIS Rep. Niña Taduran, covid 19 vaccine, media workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.