Magnitude 3.1 na lindol yumanig sa Batangas

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig dakong 6:54 ng umaga.

Nasukat ang episentro ng lindol sa layong 19 na kilometro Timog-Kanluran ng Calatagan, Batangas.

May lalim ito na 99 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naitalang intensity sa nasabing lindol.

Read more...