Luzon at Western Visayas uulanin dahil sa monsoon trough
Magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang umiiral na monsoon trough.
Ayon sa PAGASA, asahan na ang mga pag-ulan ngayon araw sa Luzon at Western Visayas dahil sa nasabing weather system.
Ang MIMAROPA, Western Visayas at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite at Batangas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan at thunderstorm dahil sa monsoon through,
Posible ayon sa weather bureau ang mga pagbaha at pagguho ng lupa kapag nagkaroon ng malakas at katamtamang pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated na pag-ulan o thunderstorm dala ng monsoon trough at Intertropical convergence zone (ITCZ).
Maari din ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.
Ang araw ay sumikat 5:27 ng umaga at inaasahang lulubog 6:26 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.