Araw ng Kalayaan: Magandang bukas inaasahan ni Pangulong Duterte; pagkakaisa ng sambayanan ang nais naman ni VP Leni

Tiwala si Pangulong Duterte na magiging maganda ang hinaharap ng bansa kapag sinundan ang mga ipinamana ng mga bayaning Filipino.

Sa kanyang mensahe ngayon Araw ng Kalayaan, sinabi ni Pangulong Duterte na maituturing na rin na bayani ang mga Filipino dahil sa pakikipaglaban sa pandemya.

“With their noble example inspiring us to look forward to a brighter future filled with hope that we will overcome the challenges brought by this pandemic,” sabi ng Punong Ehekutibo.

Samantala, sa kanyang sariling Independence Day message, nanawagan ng pagkakaisa si Robredo para mas maging matatag sa pagharap ng mga hamon.

“Mukha mang tagilid ang laban, basta humuhugot tayo ng lakas sa isa’t isa, kaya nating magtagumpay,” aniya at dagdag niya; “Anuman ang tawag ng panahon, mukha mang imposible ang sitwasyon, kakayanin natin, magtatagumpay tayo, dahil iisang bayan tayo.”

Aniya, base na rin sa kasayayan, sa pagkakaisa ng mga Filipino ay napapagtagumpayan ang anumang hamon ng panahon

“Kung magbubuklod tayo, kung pagsasamahin natin ang ating lakas sa likod ng iisang layunin, masisiguro nating wala nang muling makaaagaw ng ating kalayaan,” sabi pa ni Robredo.

Read more...