COVID 19 active cases sa bansa pumalo sa higit 60,000

By Jan Escosio June 12, 2021 - 05:04 PM

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 8,027 COVID 19 cases ngayon araw.

Bunga nito, 60,341 na ang aktibong kaso ng nakakamatay na sakit sa Pilipinas sa ngayon.

Sa inilabas na datos ng kagawaran, 1,308,352 na ang nakumpirmang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas at ang mga aktibo ay 4.6 porsiyento ng kabuuang bilang.

Nadagdagan naman ng 8,940 ang bilang ng mga gumaling para sa kabuuang bilang na 1.225,359.

May 145 na tinamaan ng sakit ang namatay para lumubo ang COVID 19 deaths sa bansa sa 22,652.

Ang mga bagong numero ay mula sa lahat ng laboratoryo sa bansa at isinumite ang mga ito sa COVID 19 Document Repository System.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.