NBA Conference Semifinals: Phoenix ibinaon ang Denver, 3-0; Philadelphia umabante kontra Atlanta, 2-1

By Jan Escosio June 12, 2021 - 03:10 PM

PHOENIX SUNS PHOTO

Kapwa kumbinsidong panalo ang sinungkit ng Phoenix Suns at Philadelphia 76ers sa magkahiwalay nilang laban sa Conference Seminals ng NBA playoffs.

Tinalo ng bumisitang Suns ang Denver Nuggets, 116 – 102, para makuha ang 3-0 bentahe sa kanilang serye.

Pinagsamang 55 puntos ng ginawa nina Chris Paul at Devin Booker para pangunahan ang Phoenix.

Kumamada naman si NBA MVP Nikola Jokic ng 32 puntos para pamunuan ang Nuggets.

Samantala, balanseng opensiba naman ang nagbigay ng panalo sa Philadelphia kontra Atlanta Hawks, 127 – 111.

Nagpakalat si Joel Embiid ng 27 puntos para pangunahan ang anim na manlalaro ng 76ers na gumawa ng higit sa 10 puntos.

Si Trae Young naman ang top scorer ng Hawks sa ginawa niyang 28 puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.