Red tide alert nanatili sa ilang baybayin sa Visayas, Mindanao – BFAR

By Jan Escosio June 12, 2021 - 08:05 AM

Babala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nananatili ang red tide alert sa pitong bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa inilabas na update ng kawanihan apektado pa rin ang mga baybaying ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay sa Siaton, Negros Oriental; Daram Island, Zumarraga, Cambututay, Irong-irong, San Pedro, Maqueda at Villareal Bays sa Western Samar.

Gayundin sa mga baybayin ng  Calubian, Carigara at Ormoc Bay, at Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte; Balite Bay at Mati Bay sa Davao Oriental; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; at Lianga at Bislig Bays sa Surigao del Sur.

Base sa huling pagsusuri na ginawa ng BFAR at mga kinauukulang lokal na pamahalaan, positibo pa rin ang shellfish na nakolekta sa mga nabanggit na baybayin sa paralytic shellfish poison o ang tinatawag na toxic red tide.

Ayon sa kawanihan, ang lahat ng uri ng shellfish maging ang alamang na nakukuha sa mga nabanggit na lugar ay hindi pa rin ligtas para sa tao.

Samantala, ang mga pusit, hipon at alimango ay maari nang makain ng tao, kinakailangan lang na tiyakin na sariwa ang mga ito bukod sa nilinis ng husto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.