Thermostat ng air con sa mga mall at opisina, ipinapapako sa 25 degrees Celsius

AP Photo
AP Photo

Dahil sa manipis na suplay ng kuryente, nais ng Department of Energy na panatilihin sa 25 degress Celsius ang temperatura ng mga air con sa lahat ng establisyimento kasama na ang mga private at government offices, at mga mall.

Sinabi ni DOE Sec. Zenaida Monsada, ang mga tanggapan gn gobyerno ang dapat magsimula ng hakbang para maging halimbawa sa iba pang mga establisyimento.

Kung magsasabay-sabay aniya ng bawas sa gamit o konsumo ng kuryente ang malalaking opisina ay malaking bagay ito para sa matugunan ang manipis na suplay ng kuryente sa bansa.

Ang nasabing panawagan ng DOE ay suportado din ng Meralco.

Ayon sa datos ng Meralco, ngayong April 2016, umaabot sa 9,700 megawatts ang demand ng kuryente sa Metro Manila kapag peak hour na mas mataas sa 9,000 megawatts na demand noong April 2015.

Nasa 10,596 megawatts naman ang available capacity sa buong Luzon.

Sinabi ng Meralco na sa isang residential area, kung ipapako sa 25 Degrees Celsius ang temperatura ng air con na one horsepower ay makakatipid ang consumer ng aabot sa P300 kada buwan.

 

Read more...