18,000 Tokyo Olympics workers tuturukan ng COVID 19 vaccines

By Jan Escosio June 12, 2021 - 07:43 AM

Anim na linggo bago ang pagbubukas ng Tokyo Olympics, inanunsiyo ng pamunuan ng Tokyo 2020 ang pagbabakuna ng proteksyon kontra COVID 19 sa 18,000 magta-trabaho sa torneo.

Sinabi ni Tokyo 2020 chief Seiko Hashimoto layon nito na mapalagay ang isip at kalooban ng mga manggagawa habang ginagampanan nila ang kanilang trabaho habang nagaganap ang torneo.

Ibinahagi din ni Hashimoto na kabilang sa mga babakunahan ay ang mga magiging madalas ang interaksyon sa mga manlalaro.

Kasama sa kanila ang mga referees, Olympic village staff, employees at contractors, airport employees, doping testing officials at assistants mula sa national Olympic at Paralympic committees.

Maging ang ilan sa 70,000 volunteers ay maaring pabakunahan, ayon pa kay Hashimoto.

Magsisimula ang mass vaccination sa darating na Hunyo 18 at ang second dose ay maibibigay bago ang pormal na simula sa Hulyo 23.

Marami sa mamamayan ng Japan ang tutol na maituloy na ang Olympics sa pangamba nila na maging ‘super spreader event’ ito ng COVID 19.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.