Pumalo na sa 1.3 milyong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas.
Ayon sa talaan ng Department of Health, 6,686 ang nadagdag na kaso ngayong araw, June 11.
Sa 1.3 milyong kaso, 61, 345 o 4.7 % ang active cases.
Nasa 1.2 milyon naman ang nakarekober sa sakit.
Ayon sa DOH, 196 katao ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Sa kabuuan, nasa 22,507 o 1.73 % ang kabuuang bilang ng mga nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES