Dalawang sunog naitala sa QC
Nakapagtala ng dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog sa Quezon City ngayong Huwebes ng umaga.
Unang naitala ang sunog sa isang residential area sa Baesa sa Quirino Highway sa Quezon City na nagsimula alas 3:46 ng madaling araw.
Umabot sa ikatlong alarma ang nasabing sunog at naideklarang fire out alas 4:24 ng umaga. Wala namang napaulat na sugatan sa sunog.
Ilang minuto lamang ang pagitan, sumiklab din ang sunog sa isang two-storey residential house sa Barangay Milagrosa sa Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Quezon City, alas 3:50 ng madaling araw nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Yap at Madamba.
Umabot sa ika apat na alarma ang sunog bago naideklarang fire out alas 4:46 ng umaga
Sa imbestigasyon ng QC-BFP, sa kwarto sa ground floor nagsimula ang sunog. Bagaman madaling araw naganap, nakalabas naman ng ligtas ang mga nakatira sa bahay bago pa kumalat ang apoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
