‘Swab upon arrival’ policy sa Cebu, malasakit sa OFWs – Sen. Francis Tolentino

By Jan Escosio June 11, 2021 - 08:53 AM

Pagpapakita ng malasakit sa mga pasahero ang layon ng ‘swab upon arrival’ policy na ipinatutupad ng pamahalaang-panglalawigan ng Cebu.

Ito ang sinabi ni Sen. Francis Tolentino kayat aniya sinusuportahan niya ang polisiya sa katuwiran na napapagaan nito ang pasanin ng mga dumadating na pasahero sa Mactan – Cebu International Airport, na karamihan ay overseas Filipino workers (OFWs).

“Dagdag pahirap lang po sa mga pauwi nating kababayan. Marami po sa kanila ay napilitan lamang umuwi dahil nawalan sila ng trabaho sa ibayong-dagat dahil sa pandemyang nararanasan natin sa kasalukuyan,” sabi ng senador.

Sinabi pa nito na makakadagdag lang sa iniisipin ng mga pasahero ang pag-divert ng kanilang biyahe dahil mangangahulugan pa ito ng karagdagang gastos at pag-aaksaya lang ng pera.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Joel Villanueva na dapat pag-aralan ng gobyerno kung maaring maging national policy ang ‘swab upon arrival’ na ipinatutupad sa Cebu.

Aniya ang polisiya ay base naman sa siyensiya at matipid pa, ngunit epektibo.

“It is a kind of health checkpoint that spares OFWs of the hassles of quarantine. It saves them time and money, both of which are better spent with and for their families,” sabi ng senador.

Maging si Sen. Risa Hontiveros ay suportado ang polisiya sa Cebu dahil aniya pagpapakita ito ng kumpiyansa sa kanilang kakayahan na mapigilan pa ang pagkalat ng COVID 19.

TAGS: cebu, Francis Tolentino, swab upon arrival, cebu, Francis Tolentino, swab upon arrival

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.