Pitong pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Calbayog Mayor Aquino, nasa restrictive custody na

By Chona Yu June 11, 2021 - 08:42 AM

PHOTO; PNP FB

Nasa kostudiya na ng Philippine National Police ang pitong pulis na sangkot sa pamamaril at pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronald Aquino.

Nakilala ang pito na sina Police Lt. Col. Harry Sucayre, Police Maj. Shyrile Tan, Police Capt. Dino Goles, Police Lt. Julio Armeza Jr., Police Senior Sgt. Neil Cebu, Police Senior Sgt. Edsel Omega and Patrolman Nino Salem.

Ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar, ilalagay sa restrictive custody ang pito sa Integrity Monitoring and Enforcement Group and Police Regional Office sa Eastern Visayas.

Ihaharap aniya ang pito sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation.

Una rito, sinampahan na ng kasong murder at frustrated murder ng NBI ang pitong pulis sa Department of Justice.

Isang welcome development aniy sa hanay ng PNP ang pagsasampa ng kaso ng NBI sa DOJ.

Nakalulungkot aniya na nasangkot sa pagpatay ang pitong pulis kay Mayor Aquino pero hindi maaring panghinaan ng loob dahil kailangang ituloy ang cleansing o paglilinis sa mga bugok na pulis.

Dalawamput isang beses na pinagbabaril si Aquino sa Brgy Lonoy, Calbayog noong Marso 8, 2021.

Bukod kay Aquino, patay din ang limang kasamahan nito.

 

TAGS: Calbayog Mayor Ronald Aquino, Guillermo Eleazar, Patrolman Nino Salem, Police Capt. Dino Goles, Police Lt. Col. Harry Sucayre, Police Lt. Julio Armeza Jr., Police Maj. Shyrile Tan, Police Senior Sgt. Edsel Omega, Police Senior Sgt. Neil Cebu, Calbayog Mayor Ronald Aquino, Guillermo Eleazar, Patrolman Nino Salem, Police Capt. Dino Goles, Police Lt. Col. Harry Sucayre, Police Lt. Julio Armeza Jr., Police Maj. Shyrile Tan, Police Senior Sgt. Edsel Omega, Police Senior Sgt. Neil Cebu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.