Pagdagsa ng ‘economic frontliners’ sa vaccination centers, magandang senyales – Sen. Bong Go

By Jan Escosio June 11, 2021 - 08:25 AM

 

Ikinatuwa ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na maraming essential workers na kasama sa A4 vaccination priority list ang bumubuhos sa vaccination centers para magpaturok ng COVID 19 vaccine.

“Nakakatuwa naman po na nakikita natin na marami na pong gusting magpabakuna sa mga economic frontliners. Alam naman natin na sila ang pag-asa  ng ating bansa para makabangon  mula sa pagkakalugmok ng ekonomiya,” sabi ng senador.

Aniya maraming negosyo ang nagsara at maraming manggagawa ang nawalan ng nagtrabaho dahil sa pandemya.

Hiniling lang din ni Go sa IATF na tiyakin na magiging mabilis ang pagpapabakuna sa economic frontliners para agad na rin mabakunahan ang mga mahihirap na Filipino na nasa A5 catergory naman.

Kasabay nito ang kanyang panawagan na pagtiwalaan ang bakuna dahil aniya ito ang magiging daan sa posibleng pagbabalik sa dating normal ng bansa.

TAGS: A4, bong go, IATF, A4, bong go, IATF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.