PDEA hindi muna aalisin sa ‘narcolist’ si Leyte Rep. Vicente Veloso

Hihintayin ng Philippine Drug Enforcement Agecy (PDEA) ang gagawing hakbang ng Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay sa desisyon ng Court of Appeals (CA)  na alisan sa listahan ng ‘narco-politicians’ si Leyte Representative Vicente Veloso III.

Sa ipinalabas na pahayag ng PDEA, inirerespeto nito ang desisyon at utos ng CA na alisin ang pangalan ni Veloso sa Inter-Agency Drug Information Database.

Katuwiran lang ng ahensiya,  ang OSG ang nagsisilbing tagapagtanggol ng mga ahensiya ng gobyerno at ang kanilang hakbang kaugnay sa utos ng CA at nakadepende sa opisina ni Solicitor General Jose Calida.

“PDEA, as one of the executive arms of the government, is bound to abide and follow the rule of law. However, we defer all our actions to the Office of the Solicitor General being the principal law office and legal defender of the government tasked to represent the government, its agencies and instrumentalities for the exhaustion of legal remedies available,” ang pahayag ng PDEA.

Pagtitiyak din ng ahensiya na pinag-aaralan din nila ng husto ang mga kasama sa listahan.

Sa inilabas na desisyon ng CA 8th Division na may petsang HUnyo 8, pinagbigyan ang hiniling na writ of habeas data ni Veloso para maalis siya sa ipinalabas ni Pangulong Duterte na listahan ng ‘narco politicians’ sa bansa noong 2019.

Read more...