Tatlong smuggled na sasakyan, nasamsam ng BOC

By Angellic Jordan June 10, 2021 - 05:15 PM

Nasamsam ng Bureau of Custom – Manila International Container Port (BOC-MICP) ang tatlong smuggled na sasakyan noong araw ng Miyerkules, June 9.

Base sa nakalap na impormasyon, naglabas ng Pre-Lodgement Control Order (PLCO) si MICP District Collector Romeo Allan Rosales laban sa shipment.

Naka-consign ang shipment sa ADFINEST Marketing Corp.

Matapos ang 100 porsyentong examination, nadiskubre ang isang bagong Land Cruiser, isang 2016 Nissan GTR at isang 2020 Chevrolet Camaro ZL1.

Nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa naturang shipment na tinatayang nagkakahalaga ng P16 milyon.

Magsasagawa ng imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso dahil sa posibleng paglabag sa Section 1400 na may kinalaman sa Section 1113 ng Republic Act (RA) No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at dahil sa kakulangan ng Authority to Import mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

TAGS: BOC operation, Inquirer News, Radyo Inquirer news, smuggled cars, BOC operation, Inquirer News, Radyo Inquirer news, smuggled cars

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.