Pinakamataas na single-day COVID-19 death toll, naitala sa India

A healthcare worker checks the temperature of a child during a door-to-door surveillance to safeguard children amidst the spread of the coronavirus disease (COVID-19), at a village on the outskirts of Ahmedabad, India, June 9, 2021. REUTERS/Amit Dave

Nakapagtala sa India ng pinakamataas na single-day death toll dahil sa COVID-19.

Sa datos ng health ministry ng nasabing bansa, nasa 6,148 ang naitalang bagong nasawi sa nakalipas na 24 oras

Mula sa naunang iniulat na 5,400 COVID-19 related case, binago ng Bihar health department ang datos sa humigit-kumulang 9,400.

Sa huling datos, umabot na sa 359,676 ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa nakakahawang sakit.

Dahil sa 94,052 bagong naitalang kaso, sumampa na sa 29.2 milyon ang mga kumpirmadong COVID-19 cases sa India.

Read more...