BREAKING: Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 56,000; 7,485 ang nadagdag

Mahigit 7,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (June 10), pumalo na sa 1,293,687 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 56,921 o 4.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 7,485 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

92.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.2 porsyento ang asymptomatic; 1.18 porsyento ang moderate; 1.7 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 122 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 22,312 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,504 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,214,454 o 93.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...