Pangulong Duterte, nangakong mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magpinsang Absalon sa Masbate
Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magpinsan na sina Kieth Absalon na isang football player ng Far Eastern University at Nolven Absalon.
Namatay ang magpinsan sa landmine na itinanim ng New People’s Army sa Brgy Anas, Masbate City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, paiimbestigahan at papanagutin ng Pangulo ang mga taong nasa likod sa pagpatay sa magpinsang Absalon.
Sinabi pa ni Roque na narinig ni Pangulong Duterte ang hiling ng pamilya ng football player na hustisya lalo’t binaril pa ang mga biktima.
Ayon kay Roque, nangako ang Pangulo na pagbabayaran ang mga may sala sa krimen.
Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya Absalon.
Ayon kay Roque, ‘crime against the international community’ ang ginawa sa magpinsan.
Mariin aniyang kinokondena ng Palasyo ang krimen.
Una nang inako ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army at nangakong mananagot ang mga taong nasa likod ng krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.