Pangulong Duterte, dadalo sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

By Chona Yu June 10, 2021 - 02:19 PM
Photo grab from PCOO Facebook video

Sa pambihirang pagkakataon, dadalo ng personal si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa labas ng Metro Manila ang dadaluhang aktibidad ng Pangulo.

Hindi na muna tinukoy ni Roque ang eksaktong lugar dahil sa usaping pangseguridad.

“Dadalo in person ang Presidente sa komemorasyon ng ating Independence Day, ito po ay sa labas ng Metro Manila but I’m not at liberty to say for security reasons. Ang mensahe po natin, talagang ang Pilipino sa mula’t mula iaalay ang buhay para sa kalayaan ng inang bayan,” pahayag ni Roque.

Matatandaang simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte noong 2016, hindi dumalo ang Pangulo sa mga aktibidad na ginagawa para sa Araw ng Kalayaan.

Sa Hunyo 30 nang susunod na taon, matatapos na ang anim na taong panunungkulan sa puwesto ni Pangulong Duterte.

TAGS: Araw ng Kalayaan 2021, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Araw ng Kalayaan 2021, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.